PARA SA TALYER AT AUTO SERVICE SHOPS
Service menu at presyo ng shop mo. I-print, i-post, i-send.
Handa na: PMS at change oil price by engine size, kung ano ang kasama sa bawat PMS, 170 labor prices, PMS chart mula 5,000 hanggang 80,000 km, service booklet para sa customers, at Messenger replies. I-type ang shop name, palitan ang presyo kung gusto, at i-print. O kami na ang gagawa para sa iyo.
Galing sa totoong shop
- Batay sa pricing ng isang 6-bay auto service shop sa Pilipinas
- Presyo na naka-fill na, pwedeng palitan
- Taglish replies na handa nang i-send
"Magkano po PMS? Ano po kasama?"
Kapag nasa isip lang ang presyo at walang malinaw na listahan, matagal sumagot, iba-iba ang singil, at nagdududa ang customer kung bakit ganoon ang presyo.
- Matagal sumagot sa price inquiry sa Messenger
- Hindi malinaw sa customer kung ano ang kasama sa binabayaran niya
- Iba-iba ang presyo depende kung sino ang kausap
- Walang naka-post na service menu o price list sa shop
Ano ang laman
Ano ang laman ng kit
Service Menu
PMS at change oil price by engine size (may halimbawang kotse), kung ano ang kasama sa bawat PMS, at 24 popular services na may presyo at oras. 2 pages, i-post sa counter
Labor Price List
170 labor prices sa 13 grupo (preno, gulong, makina, cooling, fuel, electrical, aircon, underchassis, CV joint, steering, exhaust, iba pa, quick jobs). Pareho ang singil kahit sino ang kausap ng customer
PMS by Mileage chart
Card sa bawat PMS mula 5,000 hanggang 80,000 km: kasama, libreng checks at recommended services na may presyo. Hanapin ang mileage, basahin, tapos na
Messenger Reply Pack
Handang reply sa bawat PMS mileage at 6 karaniwang tanong. Kopyahin, ilagay ang kotse at presyo, i-send. Sa phone mismo
Iyong presyo, isang beses lang i-type
Price Book: i-type ang presyo mo minsan, lalabas sa Service Menu, Price List at PMS chart. Ang sample ay panukat lang, ikaw ang magdedesisyon. May editable Excel din. Ayaw mag-edit? I-message lang kami: ibabalik namin print-ready
PMS Quote Calculator (Excel)
Piliin ang kotse (187 models) at i-type ang odometer: lalabas ang presyo ng PMS, kung ano ang kasama, libreng checks, recommended services, Messenger reply at printable quote. May customer reminders at profit check
Service Booklet para sa customer
Parang service booklet ng casa: record ng bawat PMS 5K–80K na may tatak ng shop mo. Ibigay sa customer para sa inyo bumalik. A5 o short bond, print-ready
Bonus: PMS Checklist + Health Check Report
Fillable forms para sa mekaniko at para sa customer (A4 at short bond)
Silipin ang loob
Para kanino ito?
- Talyer at auto service shops na nagpa-PMS at change oil
- Service advisors na sumasagot ng price inquiries sa Messenger
- Magbubukas pa lang ng shop: ihanda ang service menu at presyo bago magbukas
Saan galing ang mga presyo?
Ang mga presyo at PMS schedule ay galing sa totoong pricing ng isang 6-bay auto service shop sa Pilipinas (2026).
Panimula lang ito. Palitan ang kahit anong presyo para tugma sa lugar, supplier at gastos mo.
Kunin ang Service Menu Kit
Talyer Service Menu & Price List Kit PH
2026 Edition
Presyo: ₱499
Lahat ng kailangan para malinaw ang presyo mo sa customer: service menu, price list, PMS chart, handang Messenger replies at PMS Quote Calculator. Kasama ang editable Excel, at kami na ang maglalagay ng shop name mo kung gusto mo.
Order via Messenger — ₱499Bayad via GCash · Download link sa Messenger
Paano mag-order
Walang checkout. Sa Messenger lang, may totoong kausap.
Step 1: I-message kami sa Messenger
Step 2: Magbayad via GCash gamit ang details na ise-send namin
Step 3: Matanggap ang download link sa Messenger pagka-verify ng bayad
Mga madalas itanong
Kailangan ko ba ng computer?
Hindi. Ang Service Menu, Price List at PMS chart ay fillable PDF na mabubuksan sa phone (Adobe Acrobat Reader, libre). Ang Messenger replies ay may .txt para madaling kopyahin. Ang PMS Quote Calculator ay Excel: pinakamaganda sa computer, gumagana rin sa Excel app sa phone.
Paano gumagana ang PMS Quote Calculator?
Piliin ang kotse sa isang listahan, i-type ang odometer (pwede sa phone, sa Quick Quote tab). Lalabas ang presyo ng PMS para sa laki ng makina at langis, kung ano ang kasama, ang libreng checks sa mileage na iyon, at ang recommended services (hindi pa kasama sa total hangga't hindi mo pinipili). May handang Messenger reply at printable quote na pipirmahan ng customer.
Pwede ko bang palitan ang presyo?
Oo, at dapat: ikaw ang magdedesisyon ng presyo mo. Ang laman na presyo ay galing sa isang 6-bay shop, panukat lang. Sa Price Book, i-type ang presyo mo minsan at lalabas ito sa lahat ng pahina. Gamitin ang Excel para palitan pati services at schedule. Burahin ang presyo kung gusto mong isulat sa kamay.
Pwede bang kayo na ang maglagay ng shop name ko?
Oo, kasama na sa ₱499. Pagka-order, i-message lang ang shop name, contact (phone, address o Facebook page) at mga presyong gusto mong palitan. Ibabalik namin ang print-ready na Service Menu, Price List, PMS chart at Service Booklet.
Kasama ba ang piyesa sa presyo?
Ang PMS at change oil packages ay kasama na ang oil at filter. Ang ilang services ay labor only (hal. spark plugs, brake pads); nakasulat ito sa service menu.
Kasama ba ito sa Talyer Starter Kit o sa System?
Ang PMS Quote Excel ay bonus sa Talyer Starter Kit, at ang buong kit ay kasama sa Auto Service Center System.
Paano ko makukuha?
Pagka-verify ng bayad, ise-send namin ang download link dito sa Messenger.